Huwarang Guro

Lahat ng dokumento’y laging areglado
Sa mga aralin handa at planado
Di nakalilimot magbigay serbisyo
Kita man o hindi ng ibang tao

Sa agap at sikap niya’y walang tatalo
Hangad niya mga bata’y matuto
Nang kaalamang nagmula sa libro
At kung paano ang magpakatao

Silid, paligid, kubeta at lababo
Sa linis ay garantisado
Kaya’t mga bata ay tunay na ganado
At wili sa pagkatuto

Mga batang mababa ang grado
Hahanapan ng remedyo upang maiangat pagkatuto
Sa mga lumiliban siya’y laging listo
Matiyagang pupuntahan at magbibigay payo

Mga kabataan isaisip at isapuso
Edukasyon ay sandatang totoo
Magagamit upang buhay nyo’y umasenso
Giginhawa ang pamilya’t mababago ang mundo

Nais na bata’y makinig at magbasa ng kwento
Manood upang makasulat at makapagkomento
Upang kapag sila’y naghanap ng trabaho
Taas noong makikipagtalastasan kahit kanino

Maghapo’y masayang nagtatrabaho
Di man kalakihan ang sweldo
kahit madalas siyang abunado
Lagi pa rin siyang inspirado

Sinisikap niyang mapadalo mga kawani ng gobyerno
Mga magulang at kanilang pangulo
Upang programa’y kanilang suportado
Nang mithiin ay sama samang matamo…

Sa taglay na katangian lahat ay tunay na saludo
Sa isang napakabait at napakabuting tao
Na ang tanging hangad ay magbigay ng serbisyo
Kaya’t gawad parangal ay kanyang natamo…


Leave a comment